"What kind of idiot would think that a dishonest candidate will be an honest public official?" sabi ni De Lima.
Release
De Lima kay Sara: 'Wag ipagtanggol ang sinungaling, korap
James Relativo (Philstar.com) - March 26, 2019 - 2:08pm

MANILA, Philippines — Sinagot ni Sen. Leila de Lima ang bukas na liham ni Davao City Mayor at Hugpong ng Pagbabago campaign manager Sara Duterte-Carpio patungkol sa isyu ng katapatan.

Sa nasabing liham, hinamon kasi ni Duterte-Carpio ang nakapiit na senadora na gumawa ng batas para obligahin ang "honesty" bago kumandidato.

"[H]ow about you make a law adding honesty as a requirement for all Filipinos before they can run for public office," sabi ni Duterte-Carpio.

Naninindigan kasi siya na hindi naman ito kailangan para tumakbo. Ayon kasi sa Saligang Batas, ang maari lamang na tumakbong senador ay ang mga natural-born citizen ng Pilipinas na may edad na hindi bababa sa 35 taon ang edad sa araw ng halalan, nakakapagbasa at nakakapagsulat, rehistradong botante, at naninirahan sa Pilipinas ng dalawang taon bago ang eleksyon.

Pero hindi naman nagpatinag sa kanya ang senadora.

"Unless you are one of them, don’t waste your life defending the dishonest, the corrupt, and the people whom you know will abuse their office," sabi ni De Lima sa kanyang tugon.

Humaharap sa kontrobersiya ang presidential daughter matapos sabihing 'di dapat usapin ang "honesty" ngayong halalan, isang isyu na ipinupukol sa ilang kandidato ng HNP gaya ng pagsisinungaling ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos tungkol sa kanyang college degree.

"Public office is a public trust. Period. Full stop. Anyone who seeks public office must have honesty and integrity. Candidates included," dagdag ni De Lima, na kilalamg kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ganyan din ang posisyon ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, na kamag-anak ni Duterte-Carpio.

"What kind of idiot would think that a dishonest candidate will be an honest public official?"

Inday Sara 'ginagamit' lang daw

Binalaan din niya si Inday Sara tungkol sa 13 kandidato na dadalhin ng kanyang regional party.

Aniya, ginagamit lang siya upang itaguyod ang kani-kanilang kampanya.

"The spotlight and lavish attention is not for you, it is for your father. And the politicians you surround yourself with are not there because they believe in your vision. They’re there because they want to use you," sabi ni De Lima, na nakakulong pa rin dahil sa diumano'y kinalaman sa kalakalan ng droga.

"Use your platform to fight for a better Philippines. Do the right thing. Stop campaigning for trapos (traditional politicians) and misfits."

2019 MIDTERM ELECTIONS LEILA DE LIMA SARA DUTERTE-CARPIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with