PDEA director general Aaron Aquino.
The STAR/Boy Santos, File
31 celebrities nasa drugs 'watch list' ng PDEA
(Philstar.com) - March 26, 2019 - 11:57am

MANILA, Philippines — Hindi bababa sa 31 personalidad sa showbiz ang kasama sa drugs watch list ng Phlippine Drug Enforcement Agency.

"Tama po 'yun, 31 po sila. Napapanood niyo pa rin sa telebisyon. May mga TV hosts pa nga na nakikita natin dito," paglalahad ni PDEA Director General Aaron Aquino sa panayam ng DZBB.

Ang laman ng watch list ay hindi pa beripikado.

Nauna nang sinabi ng PDEA na dalawang celebrity ang kliyente ng isang tulak na napatay sa Maynila ngayong buwan.

Pinaghihinalaang nagbebenta si Steve Pasion, na napatay sa parking lot ng kanyang condominium, ng droga sa mga sikat na artista.

Paglilinaw ni Aquino, gumaganap pa ng mga "wholesome" na roles ang mga nabanggit na artista.

Ikinabahala ito ng PDEA lalo na't iniidolo raw sila ng mga kabataan.

"[K]ung umorder ng ecstasy, 200 piraso," banggit ni Aquino.

Kaugnay ito ng narekober nilang text message mula sa isang lalaking artista na bumili raw ng 200 piraso ng party drugs mula kay Pasion.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Aquino na sikat at walang laos sa 31.

Gayunpaman, kinakailangan pa naman daw ng ahensya na kumpirmahin ang mga personahe sa kanilang tala.

Hindi pa validated

"Hindi pa po ito validated. 'Pag watch list po,' di pa po validated, 'di katulad ng PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) list, validated na po lahat 'yan. We still need to confirm, to validate the list," dagdag ni Aquino.

Sa ngayon naman, nakatuon pa raw ang pansin nila sa mga pulitikong diumanoy may kinalaman sa droga.

Wala pa naman daw silang balak i-validate ang listahan ng mga celebrities, judges at prosecutors, na nauna nang inilutang ng PDEA

"Siguro ho pagkatapos namin i-revalidate 'yung mga narco politicians, doon mag-umpisa na rin kaming mag-validate ng mga tao na ito," wika niya.

'Paglabag sa due process'

Samantala, nagbabahala naman ang ilang sektor sa paglalabas ng mga ganitong listahan dahil nalalabag daw nito ang karapatan na maipagpalagay na inosente.

Matatandaang sinabi noon ni National Union of People's Lawyer chair at Makabayan senatorial bet Neri Colmenares na maghain na lang ng mga pormal na reklamo kaysa gamiting panakot ang narco lists.

"If they have adequate evidence then they should go to court and file a case, not dangle this supposed narcolist," ani Colmenares.

Dagdag pa niya, nababalaan pa ng mga ganitong listahan ang mga tunay na salarin kung kaya't mas nagiging mahirap kumalap ng ebidensya.

Patusada pa ni Colmenares, tila mga kaalyado lang ng pangulo ang pinagkakalooban niya ng due process.

"Pag taong bayan punta daw sa korte, pag sila, walang korte korte, bira agad. This state of impunity has to be stopped," sabi ng dating mambabatas.

20 LGU officials idadagdag

Samantala, sinabi naman ng ni interior and local government Secretary Eduardo Año na madadagdagan pa ang listahan ng mga pulitikong may kinalaman sa droga.

"What the president released is just an initial list. There are still others undergoing validation, around 20,” ayon kay Año.

Dati nang pinangalanan ni Duterte ang 46 "narco politicians," na may 43 local executives at tatlong miyembro ng Kamara.

Sabi ni Año, malamang ay ilabas nila ang pangalan ng mga pulitikong idadagdag pagkatapos ng midterm elections sa Mayo.

Anya, inaabot daw kasi ng 14 buwan bago nila makumpirma ang kinalaman ng mga ito sa droga. – James Relativo

CELEBRITIES PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with