Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police Chief Police Ge­neral Oscar Albayalde na mula sa dating 701 natukoy na hotspots noong Pebrero ng taong ito ay nasa 941 na ang bilang o pagtaas pa ng 240 lugar ngayon.
Election hotspots tumaas na sa 941
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumaas pa ang bilang ng mga lugar na natukoy na hotspots na umaabot na sa 941 kaugnay ng eleksyon sa Mayo ng taong ito.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police Chief Police Ge­neral Oscar Albayalde na mula sa dating 701 natukoy na hotspots noong Pebrero ng taong ito ay nasa 941 na ang bilang o pagtaas pa ng 240 lugar ngayon.

Kabilang dito ay 131 bayan at lungsod na naklasipika sa Category Yellow o areas of concern; 238 ang Cate­gory Orange (areas of immediate concern), 570 areas of grave concern (Category Red) at dalawa naman ang isinailalim sa kontrol ng Comelec. Isa rito ay ang Cotabato City at pangalawa naman ang Daraga, Albay.

Sa buong bansa, sinabi nito na nasa 570 lugar naman ang nasa Red category kung saan magsasagawa ng ebalwasyon rito ang Comelec at maaring isailalim ang alinman sa nasabing mga lugar sa kanilang kontrol.

Nabatid na ang mga lugar na ikinokonsi­derang areas of concern ay may mga kasaysayan o rekord ng karahasan sa nagdaang mga halalan, mainit ang tunggalian ng mga pulitikong magkalaban sa puwesto at dati nang naisailalim sa Comelec control.

‘Areas of immediate concern’ ay mga lugar na may seryosong banta bunga ng presens­ya ng mga grupong banta sa pambansang seguridad tulad ng New People’s Army (NPA), Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group (ASG) at rouge elements ng Moro National Liberation Front (MNLF) at maging ng Moro Islamic Liberation Frong (MILF).

Kabilang sa 118 Red areas ay nasa ARMM habang  93 pang mga  lugar dito ay nasa  Northern Mindanao, 73 sa Caraga Region, 72  sa Zamboanga Peninsula, 49 sa  Davao Region at SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City), 45 sa Eastern Visayas, 28 sa Cordillera Region, 21 sa Bicol Region, 5 sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), tig-apat sa Central Luzon at Western Visayas, dalawa sa Cagayan Valley Region at isa naman sa  Central Visayas.

Wala namang natukoy na red areas sa National Capital Region at maging sa Ilocos Norte.

Kaugnay nito, higit pang inalerto ni Albayalde ang kapulisan dahilan sa darating na Marso 29 ay magsisimula na rin ang campaign period para sa mga kandidato sa lokal na level.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with