Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsabi pa na hindi hahayaan ng gobyerno kung totoong mayroong pambu-bully sa bahagi ng mga Chinese kontra sa mga lokal na mangingisda sa naturang lugar.
Pinas magpoprotesta vs China
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakahanda ang Pilipinas na maghain ng diplomatic protest laban sa China kung totoong ginigipit nito ang mga mangingisdang Pilipino sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsabi pa na hindi hahayaan ng gobyerno kung totoong mayroong pambu-bully sa bahagi ng mga Chinese kontra sa mga lokal na mangingisda sa naturang lugar.

Niliwanag ni Panelo ang kailangan lamang umano ay maglabas ng matibay na ebidensiya na mayroong nangyayaring ganitong uri ng harassment sa mga mangingisdang Pilipino.

Aminado ang kalihim na sa ngayon ay kontrolado ng China ang malaking bahagi ng South China Sea at walang laban ang Pilipinas sa naturang bansa kung kaya kailangan ng maingat na pagtugon sa mga isyu na may kaugnayan sa pinag-aagawang teritoryo. 

Samantala, siniguro ng Malacañang na makakabayad ang Pilipinas sa utang nito sa China na gagamitin para sa Chico dam, ayon kay Panelo, kaya walang dapat ipangamba ang taumbayan na mapapahamak ang Pilipinas.

SALVADOR PANELO WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with