Ayon kay Major Ge­neral Rhoderick Paray­no, Commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, 23 NDF consultants ang naunang nabigyan ng safe conduct pass ng pamahalaan.
17 pang NDF consultant susunod na aarestuhin
Doris Franche, Rudy Andal, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Labingpito pang con­sultant ng National Democratic Front ang susunod nang aarestuhin ng security forces matapos namang tuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pakikipagkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-NDF.

Ayon kay Major Ge­neral Rhoderick Paray­no, Commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, 23 NDF consultants ang naunang nabigyan ng safe conduct pass ng pamahalaan.

Sa nasabing bilang ay anim na ang magkakasunod na nasakote ng security forces at nasa 17 pa ang patuloy nilang pinaghahanap.

Idiniin ng opisyal na dahil tinapos na ni Pangulong Duterte ang peace talks sa hanay ng komunistang grupo ay wala nang bisa ang safe conduct pass ng nasabing mga NDF Consultants.

Pinakahuli sa mga nasakote ay ang dating pari na naging top NPA terrorist at NDF consultant na si Frank Fernandez alyas Ka Ago ng  NPA Komiteng Rehiyon Negros na nabitag sa raid sa safehouse ng mga ito sa Brgy. Calumpang sa pagitan ng hangganan ng mga bayan ng Liliw at Nagcarlan, Laguna.

Samantala, nilinaw kahapon ng Diocese ng Imus na walang kaugnayan at hindi naging bahagi ng diyosis ang retiradong pari na inaresto at inakusahang kaanib ng NDFP.

Ayon kay Imus, Ca­vite Bishop Reynaldo Evangelista, walang koneksyon sa kanilang diyosesis si retired Fr. Arturo Balagat dahil matagal itong nag-serbisyo sa Diocese ng San Bernardino, California. 

Sinabi pa ng chairman ng Catholic Bi­shops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs na bumalik lang si Balagat sa Cavite nang mag-retiro na ito.

Inamin naman ni Pa­­ngu­long Duterte na sumu­ko na siyang makipagnegosasyon pa sa CPP-NPA-NDF.

Ito ang pagpapaliwanag ni Pangulong Duterte sa harap ng libu-libong political supporters ng PDP-Laban habang nagsagawa ng rally sa isang university gym sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Duterte na pinutol na niya nang tuluyan ang negosasyon sa pamamagitan ng pagbuwag sa government peace panel dahil walang mararating ang negosasyon sapagkat hindi sinsero ang kabilang panig.

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT RHODERICK PARAY­NO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with