Gayunpaman, siniguro naman ng bureau na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango mula roon basta't lutuin at hugasan nang maigi.
File
'Shellfish' sa ilang bahagi ng bansa 'di ligtas kainin dahil sa red tide
James Relativo (Philstar.com) - March 25, 2019 - 6:32pm

MANILA, Philippines — Naglabas ng listahan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ilang lokal na gobyerno ng mga lugar na apektado ng "red tide" ngayong ika-25 ng Marso.

Tinukoy ng BFAR ang San Pedro Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, at coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol bilang positibo sa paralytic shellfish poison na lampas sa regulatory limit.

Dahil dito, inabisuhan ang publiko na huwag kumain ng ilang lamang dagat mula sa mga anyong tubig na nabanggit.

"All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the area shown above are NOT SAFE for human consumption," ayon sa nilagdaang pahayag ni Sammy Malvas, officer-in-charge ng BFAR.

Gayunpaman, siniguro naman ng bureau na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango mula roon basta't lutuin at hugasan nang maigi. Payo nila, tanggalin din ang mga lamang-loob nito tulad ng mga hasang at bituka ng mga ito bago lutuin.

Ano bang epekto ng red tide?

Ayon sa Department of Health, delikado at maaaring ikamatay ang pagkain ng mga lamang-dagat na apektado ng red tide.

"Red tide poisoning is a life-threatening syndrome associated with eating contaminated shellfish," wika ng DOH.

Maaari itong makuha mula sa red tide microorganisms na makikita sa ilang tahong, talaba at halaan.

Ilan sa mga palatandaan ng mga tinamaan nito ay ang sumusunod:

  • pagkamanhid ng paligid ng bibig o mukha
  • pagkahilo
  • hapdi at "paralysis" ng mga kamay at paa
  • panghihina
  • mabilis na pulso
  • hirap sa pananalita, paglunok at paghinga
  • sakit ng ulo
  • pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi

Dapat daw malapatan ng garang lunas ang mga tatamaan nito, at mabigyan ng "ventillatory support/artifical respiration" lalo na sa mga malulubhang kaso.

Maaari rin daw bigyan ng "fluid therapy" ang mga pasyente.

Makatutulong din daw ang "detoxification" sa pamamagitan ng coconut water at pulang asukal.

"The symptoms are purely neurological and the onset is rapid that it can be felt within 12 hours," dagdag ng departamento.

DEPARTMENT OF ENERGY AND THE BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES RED TIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with