Hihilingin din daw nila na magsagawa ng mga public hearings upang may partisipasyon ang publiko sa pagtatakda ng parusa sa Manila Water.
The STAR/Miguel de Guzman
Reklamo vs Manila Water inihain; March water bill ipinasususpindi
James Relativo (Philstar.com) - March 25, 2019 - 12:04pm

MANILA, Philippines — Naghain ng pormal na reklamo ang grupong Bagong Alyansang Makabayan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System laban sa Manila Water dahil sa krisis sa suplay ng tubig, alas onse ng umaga ngayong Lunes.

Ayon kay Bayan secretary general Renato Reyes Jr., lumabag daw kasi ang water concessionaire sa contractual obligation nito na magbigay ng tuloy-tuloy na serbisyo sa mga consumers nito.

"Hihilingin ng mga complainants ang suspension ng March water bill, ang pagbawi sa naunang naaprubahang water rate hike at iba pang penalty alinsunod sa kontrata ng Manila Water," ayon kay Reyes.

Hihilingin din daw nila na magsagawa ng mga public hearings upang may partisipasyon ang publiko sa pagtatakda ng parusa sa Manila Water.

Gusto rin nila itong gawin upang "mabatid ng gobyerno ang kabuuang naging epekto ng service interuption sa mga kabahayan, negosyo at government offices."

"Dahil pormal na hinihiling ang pagpataw ng mga penalties, umaasa kami na pormal ding sasagutin at aaksyunan ito ng MWSS," dagdag ni Reyes.

Kinumpirma ng MWS na lumabag ang Ayala-owned water concessionaire sa mandato nitong magbigay uninterrupted water service.

Umamin naman ang Manila Water dito at tinanggap na maaari silang mapatawan ng parusa.

"I think we cannot deny the breach in the 24/7 service becuase the people feel it. There is a prescribed penalty for it if it cannot be corrected in 15 days, 60 days, 150 days as enshrined," sabi ni Manila Water president at CEO Ferdinand dela Cruz.

Wala pa namang update patungkol sa ilalabas na Executive Order ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng krisis sa tubig ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo kanina.

Nagbabala naman ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na maaaring sumadsad sa critical level ang Angat Dam pagdating ng Abril.

Pagtaas ng singil, kita ng Manila Water

Sa kabila ng krisis sa tubig, sinabi ng economic think tank na Ibon Foundation na 879 porsyento ang itinaas ng singil ng Manila Water simula nang isapribado ang MWSS.

Ito ang lumabas nang kanilang kwentahin ang P4.02/cu.m. rate noong 1997 kumpara sa P39.34/cu.m. ngayong first quater ng 2019.

Umabot naman daw ng P5.6 bilyon ang itinaas sa net income ng Manila Water, mula sa P1.3 bilyon noong 2007 papunta sa P6.88 bilyon noong 2017.

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN MANILA WATER MWSS WATER CRISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with