Ganito rin ang pagti­ngin ni House Minority Leader and Quezon Rep. Danilo Suarez at sinabing ang endorsement ni Ma­yor Sara sa speakership ni dating Leyte Rep. Martin Romualdez ay mas makakakuha ng suporta mula sa Kamara.
Solons nalilito kina Digong at Sara
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

Sa House speakership

MANILA, Philippines — Hati ang paniniwala ng mga kongresista kung sino ang masusunod sa pagitan ni Pangulong Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte pagdating sa pagpili ng Speaker sa darating na 18th Congress.

Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, ang magdedesisyon pagdating sa speakership ay si Pangulong Duterte.

Giit naman ni Buhay Rep. Lito Atienza, na inaasahan niya na matinding hamon ang kakaharapin ng Pangulo sa kanyang anak na siyang nagmaniobra umano sa pagpapatalsik kay dating Speaker Pantaleon Alvarez at siya ring pumili ng papalit dito.

Ganito rin ang pagti­ngin ni House Minority Leader and Quezon Rep. Danilo Suarez at sinabing ang endorsement ni Ma­yor Sara sa speakership ni dating Leyte Rep. Martin Romualdez ay mas makakakuha ng suporta mula sa Kamara.

Bukod kay Romual­dez, inaasahang makakalaban niya sa Spea­kership si Alvarez, da­ting Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, dating Vice President Jejomar Binay, San Juan City Rep. Ronal­do Zamora, Cavite Rep. Alex Advincula, Cavite Rep. Bambol Tolentino, Malabon Rep. Ricky Sandoval, at Leyte Rep. Lucy Torres.

SARA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with