Ayon kay Villarin, dapat ibalik ng Manila Water sa normal ang tubig sa Metro Manila at ibalik din ang malaking pera dulot ng kapalpakan nito.
Manila Water pinagbabayad sa DOH
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inoobliga ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang Manila Water na magbayad sa Department of Health (DOH) ng P4 milyon para sa pagkalugi ng mga pampublikong ospital dulot ng water crisis sa Metro Manila.

Ayon kay Villarin, dapat ibalik ng Manila Water sa normal ang tubig sa Metro Manila at ibalik din ang malaking pera dulot ng kapalpakan nito.

Nauna nang ibinunyag ng DOH na anim na pampublikong ospital ang nalugi ng P4.116 milyon sa pagitan ng Marso 8-18 habang nasa kasagsagan ng water crisis.

Kabilang dito ang  Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), National Center for Mental Health, East Avenue Medical Center, at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Ang nasabing mga os­pital umano ay nagdag­dag ng operational costs na P1.372 milyon habang ang Rizal Medical Center at ang NKTI ay nalugi ng P630,000 at P1.75 milyon sa revenues, dahil naglimita sila ng mga pasyente mula Marso 12.-18.

Paliwanag pa ng kongresista, na nagbabala rin ang health experts na ang kakulangan sa supply ng tubig ay maaaring magresulta sa pagtaas sa kaso ng dengue habang ang mga gumagamit naman ng maruming tubig ay lantad sa mga sakit tulad ng diarrhea, cholera at dysenteria.

DEPARTMENT OF HEALTH MANILA WATER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with