Iginiit pa ni Detoyato na dapat linawin ni Misuari kung kanino siya nagbabanta ng giyera at kung sino ang kaaway niya kung ito ba ay ang AFP, taga Basilan, o taga Jolo.
Misuari, isip bata - AFP
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinawag na isip bata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Moro National Liberation Front (MILF) founding chairman Nur Misuari dahil sa pagbabanta niya ng giyera kapag hindi natuloy ang federalismo.

Sinabi ni AFP spokesman Col. Noel Detoyato, na kung titingnan ang pag-iisip ni Misuari ay parang isip bata na kung hindi makuha ang gusto ay magta-tantrums at makikipaggiyera na lang.

Iginiit pa ni Detoyato na dapat linawin ni Misuari kung kanino siya nagbabanta ng giyera at kung sino ang kaaway niya kung ito ba ay ang AFP, taga Basilan, o taga Jolo.

Para sa opisyal, dapat pag-isipan ng maraming beses ni Misuari ang pagbabanta dahil hindi lang gobyerno ang makakalaban niya kundi pati ang mga bumoto para sa kapayapaan.

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT NUR MISUARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with