‘Agri Patent Reform Act’ isusulong ang ekonomiya
(Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiyak na isusulong ng bagong “Agricultural Free Patent Act” (RA 11231) na nilagdaan ni Pangulong Duterte kamakailan ang pamumuhunan sa kabukiran at lalago ang ambag ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa.

Tinatanggal ng RA 11231 ang mga hadlang sa mga may-ari ng sakahing lupa at ‘free patents’ na isangla o ibenta ang mga ito sa loob ng limang taon mula nang mapasa-kanila. Inaalis din nito ang karapatan ng dating may-ari ng lupa na bilhin ito uli sa loob ng limang taon. Dahil dito iniiwasan ng mga banko ang lupa bilang kolateral dahil walang silbing buruhin nila ito ng ganun katagal bago mai-transaksiyon.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na pangunahing may-akda ng panukala sa Kamara, padadaliin nito ang transaksiyon sa mga bukirin at ‘patents’ kaya inaasahang madaliang aarangkada ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura dahil magagamit na rin nila itong sangla sa paghiram ng pondong puhunan sa kanilang negosyong bukid.

Sa ilalim ng bagong batas, paliwanag ni Salceda, magkakaroon na ng karapatan ang mga magsasaka para sa makabuluhang mga hakbang tungo sa pag-unlad nila sa pamamagitan ng paghiram ng salaping magagamit nilang puhunan.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with