^

Bansa

OFWs sa HK sumuporta sa Ang Probinsyano Partylist

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta sa Ang Probin­sya­no Party-List ang mga OFW sa Hong Kong dahil makakatulong umano sa kanila at kanilang mga pamilya ang mga batas na planong isulong ng AP-PL.

Isa sa target ng Ang Probinsyano Party-list ay ang pagkakaroon ng mataas na palitan ng dolyar para sa mga OFW remittances.

Ayon sa nominee ng AP-PL na si Ronnie Ong, “humigit kumulang 10 milyong pamilya ang makikinabang sa higher exchange rate for OFWs. Kung mas mataas ang palitan ng dolyar para sa mga remittance ng OFWs, mas madadag­dagan ang pambili nila ng mga local products natin.”

Kamakailan lang ay nasa HK si Ong para ihain sa mga OFWs ang plataporma ng AP-PL. Kabilang dito ang ‘Housewife Compensation Act’ ni Cong. Joey Salceda; ang house-to-house health care; at pagpapatupad ng ‘Open High School.’

Ikinatuwa naman ng mga OFW na nagkaroon ng pagtitipon kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na sabihin ang kanilang mga problema.

 

vuukle comment

PROBINSYANO PARTYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with