_ngayon
^

Bansa

House probe sa water crisis pinatitigil na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
House probe sa water crisis pinatitigil na
Ayon sa Speaker, narinig na nila ang lahat ng paliwanag ng Manila Water at Metropolitan Waterworks at Sewerage System (MWSS).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinahihinto na ni Speaker Gloria Arroyo ang pag-iimbestiga ng oversight committee ng Kamara kaugnay sa nararanasang krisis sa suplay ng tubig.

Ayon sa Speaker, narinig na nila ang lahat ng paliwanag ng Manila Water at Metropolitan Waterworks at Sewerage System (MWSS).

Hindi na rin siya makikialam sa usapin ng rebate o refund para sa mga customer dahil ang importante ay tiniyak na sa mga kongresista ang short hanggang long-term solutions sa problema sa tubig.

Kabilang na rito ang pagtapos sa ginagawang Cardona Treatment Plant na unang kinuwestyon sa pagdinig dahil napag-alamang may advanced payment na ang mga customer para sa konstruksyon nito.

Gayundin ang China-funded Kaliwa Dam project na tinututulan ng ilang sektor at ang pagkakaroon ng stationary tanks at pagtatayo ng deep wells.

Anya, ang dapat gawin ngayon ay pagkatiwalaan ang water concessionaire pati na ang MWSS at umasa sa pangako nila na aayusin ang serbisyo at tutugunan ang problema.

GLORIA ARROYO MANILA WATER AT METROPOLITAN WATERWORKS AT SEWERAGE SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with