"It’s a bold, unprecedented move but it’s very laudable," sabi ni De Lima isang ambush interview sa kanya ngayong Biyernes.
Release
De Lima, fisherfolk group suportado ang ICC complaint vs Xi Jinping
James Relativo (Philstar.com) - March 22, 2019 - 6:29pm

MANILA, Philippines — Umani ng suporta ang paghahain ng reklamong "crimes against humanity" laban kay Chinese President Xi Jinping ng mga dating opisyal ng gobyerno sa International Criminal Court kaugnay ng pinsalang idinulot ng pagtatayo ng mga isla sa South China Sea.

Kasama sa mga pumuri sa isinumiteng "communication" nina dating foreign affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Sen. Leila de Lima at militanteng grupo ng mga mangingisda.

"It’s a bold, unprecedented move but it’s very laudable," sabi ni De Lima isang ambush interview sa kanya ngayong Biyernes.

Aniya, ipinakikita raw nito kung bakit kinakailangang manatili ng Pilipinas sa ICC.

"[K]ung ganyan na foreign aggressor ang involved eh saan tayo pupunta, kundi sa isang independent international body with universal jurisdiction?" dagdag ng senadora, na kasalukuyang nakapiit matapos iugnay sa kalakalan ng droga.

Matatandaang bumaklas ang Pilipinas sa Rome Statute, ang tratadong lumikha sa ICC, epektibo nitong Linggo.

Ang ICC ang nag-iimbestiga at lumilitis sa mga international crimes gaya ng genocide, crimes against humanity, war crimes, at crimes of aggression.

Ayon sa pamahalaan, ginawa nila ito dahil kinasangkapan daw ng ICC ang karapatang pantao para madepensahan ang drug trade.

"[Y]ung hindi ginawa ng gobyerno, ginawa na ngayon ng mga complainants kaya saludo ako sa kanila. Magpasalamat tayo sa kanila na ganun ang ginawa nila," sabi ni De Lima.

Ikinatuwa rin ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas ang paghahain ng reklamo nina Del Rosario at Morales.

Ayon kay Fernando Hicap, chairperson ng Pamalakaya, suportado nila ito dahil panibagong ligal na basehan daw ito para maipagtibay ang claim ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

"Aside from our winning in the international tribunal, we will have another legal basis to challenge China’s irrational claim if its President Xi Jinping will be found guilty of the charges against him for illegally occupying and reclaiming our resource-rich marine territory," ayon kay Hicap.

Taong 2016 nang ibalewala ng Permanent Court of Arbitration ang nine-dash line claim ng Tsina sa buong South China Sea.

Bahagi ng nasabing karagatan ang West Philippine Sea na inaangkin ng Pilipinas.

Nanawagan naman si Hicap sa publiko na ibigay ang buo nilang suporta sa kaso dahil wala raw maaasahan mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, na matagal nang gustong umalis sa ICC.

"Parehong dapat humarap si Xi at Pangulong Duterte sa ICC dahil sa pagsasabuwatan nito na dambungin at sirain ang likas-yaman ng West Philippine Sea kapalit ng mga kasunduang pang-ekonomiya at pang-kalakalang sila lamang ang nagpasya," panapos ni Hicap.

May patutunguhan ba?

Sa kabila ng isinumiteng communication, hindi pa naman masabi ng ilang analyst kung may uusad ang ang reklamo.

Ayon kay Dr. Jay Batongbacal, director ng Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, malamang ay 'di ito pansinin ng Tsina.

"China, not being a signatory to the Rome Statute, most certainly will reject the case," ayon kay Batongbacal sa isang text sa The STAR.

"Whether the communication will result in the initiation of an investigation depends on the Prosecutor. No case has been filed yet, as it appears that the communication is only asking the Prosecutor to open an investigation," dagdag niya.

Preliminary examination pa lang kasi ang hinihiling nina Del Rosario at Morales sa ICC, kung saan dedesisyunan kung may jurisdiction ang ICC sa kaso. – Patricia Lourdes Viray

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT LEILA DE LIMA PAMALAKAYA XI JINPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with