Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na harapang sinabi ni Misuari kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbabanta ng panibagong rebelyon sa Mindanao noong muling magkita ang dalawa sa Mala­kanyang.
Bantang giyera ni Nur Misuari lalabanan ng gobyerno
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na lalabanan ng gobyerno ang banta ni Moro National Libe­ration Front Chairman Nur Misuari na muli itong mag-aalsa laban sa pamahalaan kapag hindi natuloy ang isinusulong na Federalismo sa bansa.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na harapang sinabi  ni Misuari kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbabanta ng panibagong rebelyon sa Mindanao noong muling magkita ang dalawa sa Mala­kanyang.

Sinabi ni Panelo na itinuturing ng Pangulo na paghahayag lamang ng pagkadismaya ang banta ni Misuari dahil hanggang ngayon ay wala pang kasiguruhan kung lulusot ang Fede­ralismo.

Ayon kay Panelo anumang pagbabanta ng giyera ay itinituring ng gobyerno na seryosong banta sa kapa­yapaan ng bansa.

Inihayag ni Panelo na sinagot ng Pangulo si Misuari na lalabanan ng gobyerno ang anumang uusbong na rebelyon.

Matapos naman na sambitin ni Misuari ang pagbabanta ay sinabi ng Pangulo na bubuo sila ng ‘panel’ para sa negosasyon sa pagitan ng gobyerno at mga separartist group.

Idinagdag pa ng Pangulo na nais ni Misuari na ang pede­ralismo ay siyang babawi sa mga lupain na tinangay mula sa mga Moros ng sakupin sila ng Spain at Amerika.

Sinopla kahapon ng ilang senador ang banta ni Misuari.

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dapat tingnan ang batas tungkol sa pananakot sa gobyerno. Pinayuhan pa ni Sotto si Misuari na makipag-usap sa halip na manakot.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang bantang giyera ni Misuari ay nagpapakita ng isang mahalagang argumento laban sa federalism.

MORO NATIONAL LIBE­RATION FRONT NUR MISUARI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with