Ito ang sinabi kahapon ni Senator Sonny Angara na nakiusap sa mga employers na iwasan ang diskriminasyon sa trabaho.
Edd Gumban
Mga lalaki pinapaboran dahil walang maternity leave claims
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas pinapaboran na umano ngayon ng mga employers ang mga kalalakihan kum­para sa mga kababaihan dahil mas maraming dagdag na benepisyo sa mga babae kabilang na ang maternity leave claims.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Sonny Angara na nakiusap sa mga employers na iwasan ang diskriminasyon sa trabaho.     

Ayon kay Angara, may mga employers na umiiwas sa pagbaba­yad ng maternity leaves lalo pa’t sa bagong batas na mas pinahaba na ito.

Mula sa orihinal na 60 araw, naging 105 araw na ang maternity leave sa bagong batas o RA 11210.

Binanggit din ni Anga­ra ang isang survey ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP na nagsasabing malaki ang magiging epekto ng Expanded Maternity Leave sa desisyon ng mga kumpanya na kunin ang serbisyo ng mga babaeng emple­yado.

Sa naturang survey, 66 porsyento ng employer ay nagsabing apektado ng nasabing batas ang kanilang pagdedesisyon na mag-hire ng female employees. Gayunman, hindi naman nila nilinaw kung tuluyan na nga ba nilang tatanggihan ang aplikasyon ng mga babaeng empleyado o lilimitahan lamang nila ang bilang ng mga ito.

Ani Angara, dapat bigyan ng patas na oportunidad ng mga kumpanya ang mga babae lalo na kung kuwalipikado naman ang mga ito sa pinapasukan o inaaplayang trabaho.

Nilinaw pa ni Angara na binuo ang natu­rang batas hindi para hika­yating mas paboran ng mga employer ang pagkuha sa serbisyo ng kalalakihan kundi upang ibigay lamang sa kababaihan ang nauukol na benepisyo, karapatan at pangangalaga sa kanila.

SONNY ANGARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with