Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac na nagbanggit na ang nasabing bilang ay nairekord mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.
Edd Gumban
441 pulis nadismis sa droga
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 441 pulis ang nadismis dahilan sa droga kaugnay ng puspusang internal cleansing o paglilinis sa hanay ng mga ‘bad eggs’ sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac  na nagbanggit na ang nasabing bilang ay nairekord mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Banac na  kabilang dito ay ang 322 pulis na nadismis sa serbisyo matapos na mapatunayang positibo sa paggamit ng illegal na droga o mga nagsha-shabu, marijuana at iba pang uri ng bawal na gamot.

Nasa 119 naman ang nadismis dahilan sangkot sa illegal drug trade, nahulihan at nagbebenta rin ng illegal na droga habang ang iba pa ay mga protektor naman ng mga drug syndicates.

Ayon kay Banac, bilang bahagi ng mahigpit na disiplina sa PNP ay tinanggalan ang mga scalawags na pulis ng benepisyo matapos patalsikin sa serbisyo.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with