Ang apela ni Biazon ay kasunod ng magkakahiwalay na operasyon ng PDEA sa isang mall at subdivision sa Muntinlupa kung saan nasabat ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 1.1 billion pesos.
Death penalty hinging ibalik
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela si Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon na ibalik na ang parusang kamatayan para sa kasong drug trafficking kasabay ng pa­nawagan na i-upgrade na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang apela ni Biazon ay kasunod ng magkakahiwalay na operasyon ng PDEA sa isang mall at subdivision sa Muntinlupa kung saan nasabat ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 1.1 billion pesos.

Ayon kay Biazon, nakakabahalang umuusbong na ang sirkulasyon ng ilegal na droga sa mga exclusive subdivision kaya dapat nang repasuhin ang kanilang security measures at makipagtulungan ang mga residente.

Iginiit  din ng kongresista na sa kabila ng agresibong kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga ay nananatili ang problema dulot ng kawalan ng ngipin ng mga kasalukuyang batas.

DRUG TRAFFICKING KASABAY PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with