File photo ng pagbisita ni Chinese President Xi Jinping (kanan) sa Pilipinas kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa).
The STAR/KJ Rosales, File
Xi Jinping inireklamo sa ICC ng mga dating opisyal ng 'Pinas
(Philstar.com) - March 21, 2019 - 6:29pm

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pagkalas ng Pilipinas mula sa International Criminal Court, ilang dating opisyal ng pamahalaan ang naghain ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping kaugnay ng mga pagtatayo ng mga isla sa South China Sea.

Ilan sa mga nagsumite ng complaint kay ICC Prosecutor Fatou Bensouda ay sina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales alang-alang sa mga Pilipinong mangingisdang "pinahihirapan" ng Tsina.

"The situation presented is both unique and relevant in that it presents one of the most massive, near permanent and devastating destruction of the environment in humanity's history, which has not only adversely affected and injured myriad groups of vulnerable fishermen, but present and future generations of people across nations," sabi ng dokumento.

Sinabi nina Del Rosario at Morales na nasasagasaan ng mga aktibidad ng Beijing ang pinagkukunan ng pagkain at seguridad ng mga bansang nasa South China Sea gaya ng Pilipinas.

Nanindigan ang dalawa na saklaw ito ng kapangyarihan ng ICC, na binuo ng Rome Statute dahil layunin nitong panagutin ang mga krimen na dumadamay sa international community.

Gayunpaman, hindi bahagi ng Rome Statute ang Tsina.

Sa reklamo, na sa katohana'y tinatawag na "communication," sinabi nina Del Rosario at Morales na ICC lang ang may kayang mangingil ng pananagutan para sa mga aksyon ng Tsina sa South China Sea, lalo na yaong nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Inudyok ng dalawa na magsagawa ng preliminary examination ang ICC para malaman nito ang mga ginagawang "krimen" ng nasabing bayan 'di lang sa Pilipinas ngunit pati na rin daw sa iba pa.

Isinumite raw ito ilang araw bago kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute noong Linggo.

Sa ilalim ng tratado, saklaw pa rin ng ICC ang mga paglabag na ginanap noong miyembro pa ang 'Pinas, mula ika-1 ng Nobyembre 2011 hanggang ika-17 ng Marso 2019.

"The Court can exercise its jurisdiction over these crimes, even after the effectivity of the Philippines' withdrawal, and we respectfully reserve our right to supplement this Communication with additional evidence that may come to light or arise in the future," dagdag ng dokumento.

Nangalihim ng Department of Foreign Affairs si Del Rosario mula 2011 hanggang 2016 at kasama sa mga naghain ng arbitration case sa Permanent Court of Arbitration laban sa "pangangamkam" ng Tsina sa South China Sea.

Pinaboran ng United Nations-backed tribunal ang Pilipinas Hulyo taong 2016, dahilan para mabalewala ang "nine-dash-line" claim ng Beijing sa South China Sea.

Dati nang nananawagan si Del Rosario na maghain ng reklamo laban sa "aggression" ng Tsina sa South China Sea kung saan bahagi ang West Philippine Sea.

Nitong nakaraan, isiniwalat ni Kalayaan Mayor Roberto del Mundo ang pagdami ng coast guard, naval at fishing vessels ng Tsina sa West Philippine Sea, bagay na nakaaapeto na raw sa mga mangingisda.

Ayon sa mga ulat, hinaharangan daw ng mga Tsino na lumapit ang mangingisdang Pinoy sa mga sandbar ng Pag-asa Island, isa sa mga pinakamalalaking feature ng Spratlys. 

Ang isla ng Pag-asa ay sakop ng munisipalidad ng Kalayaan sa probinsya ng Palawan.

ALBERT DEL ROSARIO CONCITA CARPIO-MORALES INTERNATIONAL CRIMINAL COURT XI JINPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with