^

Bansa

De Lima sa ICC pullout: 'Kung walang itinatago, anong kinatatakutan?'

James Relativo - Philstar.com
De Lima sa ICC pullout: 'Kung walang itinatago, anong kinatatakutan?'
"Wala kang kawala, Mr. [Rodrigo] Duterte. Kumalas ka man sa ICC hindi ka makakatakas," sabi ni Sen. De Lima nitong Miyerkules sa isang ambush interview.
Release

MANILA, Philippines — Nagsalita na si Sen. Leila de Lima kaugnay ng pahayag ng International Criminal Court na ipagpapatuloy ang pagsusuri sa sitwasyon sa Pilipinas kahit kumalas na sa Rome Statute.

Ang Rome Statute ang tratado na lumikha sa ICC na siyang nag-iimbestiga at naglilitis ng mga indibidwal na inirereklamo ng genocide, war crimes, crimes against humanity at the crime of aggression.

"Wala kang kawala, Mr. [Rodrigo] Duterte. Kumalas ka man sa ICC hindi ka makakatakas," sabi ni De Lima nitong Miyerkules sa isang ambush interview.

Ika-19 ng Marso nang sabihin ni ICC prosecutor Fatou Bensouda na tuloy-tuloy ang kanilang preliminary examination kaugnay ng madugong "war on drugs" sa Pilipinas.

Ginagawa ang examination, na iba sa imbestigasyon, para matukoy kung may jurisdiction ang ICC sa kaso ng bansa.

"Si Prosecutor Bensuoda na ang nagsabi. Tuloy ang preliminary examination sa crimes against humanity ni Duterte," dagdag niya.

Sa huling tala ng United Nations, sinasabi na umabot na sa 27,000 ang namamatay sa anti-illegal drug operations ng gobyerno.

Matatandaang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na umalis ang Pilipinas sa ICC dahil nakikinabang dito ang kalakalan ng droga.

“When the ICC weaponized human rights to defend the drug trade, we got out pronto,” wika ni Locsin noong Lunes.

(Noong kinakasangkapan ng ICC ang karapatang pantao para ipagtanggol ang kalakalan ng droga, umalis kami agad.)

Pero sagot ni De Lima, na kasalukuyang nakapiit matapos iugnay sa pagkalat ng droga sa Bilibid, dapat harapin ang mga reklamo kung siya'y inosente.

"Kung walang [i]tinatago, ano ang kinakatakutan niya?" sabi ng senadora.

Desidido naman ang Palasyo na hindi uurong sa ang pag-alis sa ICC habang nanunungkulan si Pangulong Duterte, sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

LEILA DE LIMA

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with