^

Bansa

Digong sa MWSS: Umayos kayo o sibak!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong sa MWSS: Umayos kayo o sibak!
Handa namang mag­bitiw sa puwesto si MWSS Administrator Rey­naldo Velasco kung hi­hilingin ito ni Pangulong Duterte.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — ‘Shape up or ship out!’ 

Ito ang naging babala ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na kanyang ipinatawag kamakalawa ng gabi sa Malacañang kaugnay sa water crisis sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tumagal ng hanggang 40 minuto ang meeting kung saan sinermunan at hindi binigyan ng Pangulo ng pagkaka­taong magpaliwanag ang mga opisyal ng MWSS gayundin ang kinatawan ng Maynilad Waters at Manila Water Company.

Muling pupulu­ngin ang mga opisyal ng MWSS sa dara­ting na ?Abril 10 pero pinag­susu­mite ng report ng kanilang ginawang hakbang bago ?Abril 7 at saka magpapasya ang Pangulo kung may dapat sibakin na opisyal o bawian ng kontrata ang mga water concessionaires.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, kung ginawa lamang ng mga opisyal ang kanilang trabaho ay hindi na dapat umabot sa water crisis ang problema pero hinintay pa nila na magbanta siya upang gumalaw ang mga ito.

Handa namang mag­bitiw sa puwesto si MWSS Administrator Rey­naldo Velasco kung hi­hilingin ito ni Pangulong Duterte.

vuukle comment

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

WATER CRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with