CA ibinasura ang apela ni Trillanes
MANILA, Philippines — Tuloy na ang pagdinig sa kasong rebelyon laban kay Sen. Antonio Trillanes IV ng Makati Regional Trial Court Branch 150.
Ito’y matapos ibasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ng senador na itigil ang pagdinig sa kanyang rebellion case na nag-ugat sa Manila Peninsula siege.
Sa apat na pahinang resolusyon ng CA 9th Division na isinulat ni Justice Apolinario Bruselas Jr., ibinasura ang hirit ni Trillanes na temporary restraining order at writ of preliminary injunction.
Ang desisyon ni Bruselas ay sinang-ayunan din nina Justices Myra Garcia-Fernandez na senior member at Geraldine Macaraig bilang junior member.
Nalaman naman sa impormasyon mula sa Makati RTC Branch 150, kahapon sana ang pagdinig sa kaso ni Trillanes pero ipinagpaliban sa Marso 27.
Matatandaan na ipinawalang bisa ni Pangulong Duterte noong nakaraang taon, sa pamamagitan ng Proclamation No. 572 ang amnestiya ni Trillanes na ipinagkaloob ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
- Latest