^

Bansa

Soli-bayad, giit sa Manila Water

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Soli-bayad, giit sa Manila Water
Kasunod ito ng hirit ng ilang senador na magbigay ng refund o rebate bilang danyos sa idinulot na problema ng Manila Water sa kanilang mga customer.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nakahanda ang Manila Water na magpatupad ng adjustment sa water bills ng kanilang mga kostumer para magbigay ayuda sa libo-libong residente, establishments at negosyo na naperwisyo ng water interruption.

Kasunod ito ng hirit ng ilang senador na magbigay ng refund o rebate bilang danyos sa idinulot na problema ng Manila Water sa kanilang mga customer. 

Sinabi ni Manila Water president at CEO Ferdinand dela Cruz na, inatasan na niya ang kanyang team na pag-aralan ang pagbibigay ng relief sa mga apek­tado ng krisis sa tubig.

“An adjustment to a water bill. We are looking at that considering what has happened,” ani dela Cruz sa pagdinig sa Senado kahapon. 

Sinabi ito ni dela Cruz nang tanungin siya ni Sen. Risa Hontiveros kung magbibigay ng rebate ang Manila Water sa kanilang kostumer. 

Naniniwala si Hontiveros na dapat may managot sa nangyaring krisis at hindi sapat ang paghingi ng “sorry.”

Binanggit naman ni dela Cruz na handa siyang magbitiw sa puwesto kung ito ang magiging solusyon sa problema ng water supply.

vuukle comment

MANILA WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with