^

Bansa

‘Tipid-kuryente simulan na’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Tipid-kuryente simulan na�
Sinabi ito ni House Com­mittee on Energy Vice-chairman Carlos Uybarreta dahil inaasahan na ang pagtataas ng demand sa kuryente ngayong tag-init lalo na at kadalasang nasa bahay ang mga pamilya at madalas na nagbubukas ng air condition at electric fan.

MANILA, Philippines — Sa gitna ng banta ng El Niño sa bansa, pinayuhan ng isang kongresista ang publiko na simulan na rin ang pagtitipid sa kuryente. 

Sinabi ito ni House Com­mittee on Energy Vice-chairman Carlos Uybarreta dahil inaasahan na ang pagtataas ng demand sa kuryente ngayong tag-init lalo na at kadalasang nasa bahay ang mga pamilya at madalas na nagbubukas ng air condition at electric fan.

Giit ni Uybarreta, panahon na para suriin ang mga electrical wires lalo at karaniwang sanhi ng sunog ang overheating at overloading circuits.

Bukod dito, pinayuhan din niya ang mga residente na gumamit ng energy efficient appliances at palitan na ang makalumang bombilya ng LED bilang ilaw.

Maaring simula pa lamang umano ang nangyayaring kakapusan sa supply ng tubig sa Metro Manila at mga karatig lalawigan sa mas matin­ding problema.

Iminungkahi rin naman ni Uybarreta ang paggamit ng green technologies para sa mga mall, opisina at condominium.

vuukle comment

CARLOS UYBARRETA

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with