Sinabi ni House Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza na dapat magbitiw sa puwesto sina MWSS Administrator Reynaldo Velasco at Manila Water CEO Ferdinand dela Cruz at itigil na ang pagpapaliwanag gamit ang statistics dahil malinaw na palpak ang performance nila.
Michael Varcas
MWSS at Manila Water execs pinagbibitiw
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbibitiw sa puwesto at nais patawan ng parusa ng ilang kongresista ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System at Manila Water.

Sinabi ni House  Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza na dapat magbitiw sa puwesto sina MWSS Administrator Reynaldo Velasco at Manila Water CEO Ferdinand dela Cruz at itigil na ang pagpapaliwanag gamit ang statistics dahil malinaw na palpak ang performance nila.

Hindi rin umano tama na nagkukulang sa suplay ng tubig ang bansa gayong mula sa 144 billion cubic meters ng tubig ay nasa 24 hanggang 25 billion cubic meters lang ang nagagamit.

Paliwanag pa ni Atienza, tila patagal nang patagal din ang deadline na hinihiling ng water concessionaires para sa pagtatayo ng treatment plant dahil noong 2008 pa ay na­ngako silang tatapusin ang pasilidad sa loob ng anim na taon at ngayon naman ay sa taong 2037 na.

Para naman kay Ca­loocan City Rep. Edgar Erice, na wala talagang water shortage sa bansa kundi ang kapalpakan lang ng service provider na Manila water dahil Enero pa lamang ay alam na nila na kaila­ngan ng 1750 milyon liters  bukod pa sa 1600 million liters na naka laan para sa kanila.

Subalit hindi ito inak­syunan ng water concessionaire at hinintay pa ang March 6 water service interruption bago sila kumilos at humingi ng tulong sa Maynila.

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with