^

Bansa

International Criminal Court probers ide-deport agad

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
International Criminal Court probers ide-deport agad

MANILA, Philippines — Siniguro kahapon ng Malacañang na hindi makakapasok ng bansa ang sinumang investigators ng International Criminal Court upang mag-imbestiga kaugnay sa drug war ng gobyerno, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo sa media briefing kahapon na agad na ipapa-deport pabalik sa pinanggali­ngan ang ICC investigator.

“Hindi namin papayagan ang anumang pagtatangkang makialam sa soberanya ng bansang ito. Ide-deport ang mga ICC investigator kapag dumating sila sa Pilipinas at nangalap ng datos at kumapanayam ng mga tao kaugnay sa reklamo sa kampanya ni Duterte laban sa bawal na gamot,” sabi pa ni Panelo.

Magugunita na nging epektibo ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17.

Aniya, ang ICC ay naging political tool upang gamitin sa political pro­secution ng mga head of states.

Idinagdag pa ni Pa­nelo, kung magtutungo sa bansa si ICC prosecutor Fatou Bensouda bilang turista ay papayagan ito at sinigurong walang sampalan na mangyayari gaya ng banta ni Pangulong Duterte.

Samantala, ibinunyag ni Panelo na mayroong grand conspiracy ang mga kalaban ng administrasyon para lalong siraan si Pangulong Duterte sa desisyong tuluyan nang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statue na nagtatag sa ICC.

Pinuna ni Panelo na biglang naging international law expert ang mga kritiko ni Pangulong Duterte

Ayon kay Sec. Panelo, iisa ang tono ng mga politocal opposition, makakaliwang grupo at human rights advocate na pawang nagsasabi na dahil sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ay umiiwas si Pangulong Duterte sa pag-uusig ng ICC kaugnay ng mga kaso ng extra judicial killings at paglala pa ng human rights violations sa bansa.

Inihayag ni Panelo hindi kailanman sinusuportahan ng gobyerno ang extra judicial killings at paglabag sa karapatang pantao dahil patuloy na gumagana ang criminal justice system sa bansa.

vuukle comment

DRUG WAR

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with