^

Bansa

Recount sa protest halos tapos na!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Recount sa protest halos tapos na!

Sa VP election

MANILA, Philippines — Iginiit ni Romulo Macalintal, legal counsel ni Vice President Leni Robreno sa election protest na isinampa ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos, na halos tapos na ang isinagawang recount ng Presidential Electoral Tribunal sa resulta ng vice presidential election noong 2016.

Ayon kay Macalintal, katatapos pa lang ng recount at nakita naman sa kanilang manifestations  na luma­lamang pa si Robredo. Aniya,  wala namang desisyon ang PET na pinapanigan si Marcos ukol sa tatlong pilot provinces na pinili niya,” aniya.

Ipinahayag ni Macalintal na wala nang saysay ang protesta ni Marcos bunsod na rin ng kabiguan ng kampo nito na makakuha ng bilang ng boto sa pinili niyang lalawigan na gamitin sa recount.

Ang pahayag ni Macalintal ay bilang sagot sa mga isyu na pilit na isinusubo ng kampo ni Marcos sa social media.

Isinantabi ni Macalintal ang mga post sa Facebook ng pro-Marcos groups na nagpapahayag na  80 porsiyento umano ng balota sa ARMM ay peke at pre-shaded.

Sinabi ni Macalintal na ang recount sa pilot provinces na itinuro  ni Marcos sa kanyang protesta -- Iloilo Province, Negros Oriental at Camarines Sur — ay halos tapos na ay batay sa paunang resulta at walang nabago sa boto ni Robredo.

Inulit ni Macalintal na kailangan munang makakuha ng kampo ni Marcos nang sapat na bilang ng mga boto sa tatlong lalawigang nabanggit bago katigan ang kanyang protesta para sa iba lang lugar tulad ng ARMM.

Bukod dito, sinabi ni Macalintal na hindi sakop ng PET ang protesta sa boto sa ARMM dahil bahagi nito ang reklamo sa labanan sa Gobernador na kaila­ngang lang resolbahin ng Comelec.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

LENI ROBRENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with