Outbreak ng sakit sa kulungan binabantayan
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, posibleng magkaroon ng sakit na dermatitis at iba pang sakit sa balat ang mga preso kung hindi malinis ang mga piitan.
Outbreak ng sakit sa kulungan binabantayan
(Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinamomonitor ng Department of Health (DOH) ang posibleng outbreak ng iba’t ibang sakit sa mga kulungan sa bansa bunsod ng kakulangan sa tubig.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, posibleng magkaroon ng sakit na dermatitis at iba pang sakit sa balat ang mga preso kung hindi malinis ang mga piitan.

Aniya, kailangang laging handa at alerto ang National Capital Region office at Epidemiology Bureau upang agad na maagapan ang posibleng pagkalat ng sakit.

Kadalasang nangyayari na siksikan ang mga piitan tuwing summer at nagkakaroon ang mga ito ng pigsa, hika, galis at bungang araw.

Posible umanong lumala ang mga ito kung walang sapat na supply ng tubig para mapanatili ang kalinisan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Bureau of Jail Management and Penology upang maiwasan ang pagkahawa ng mga preso. (Doris Franche)

DEPARTMENT OF HEALTH FRANCISCO DUQUE JAIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with