g kautusang ito ng Pangulo ay upang ma­bigyan ng supply ng tubig ang mga apektadong lugar sa Metro Manila ng water crisis.
g kautusang ito ng Pangulo ay upang ma­bigyan ng supply ng tubig ang mga apektadong lugar sa Metro Manila ng water crisis.
Boy Santos
Tubig sa Angat Dam pakawalan - Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inutos kahapon ni Pangulong Duterte sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na obligahin ang Maynilad Water Services at Manila Waters gayundin ang iba pang opisina na magpalabas ng tubig mula sa Angat Dam sa loob ng 150 araw epektibo kahapon.

Ang kautusang ito ng Pangulo ay upang ma­bigyan ng supply ng tubig ang mga apektadong lugar sa Metro Manila ng water crisis.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat sapat para sa loob ng 150 araw ang papakawalang tubig mula Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan para sa pangangaila­ngan ng mga apektadong residente.

Kung maalala ang La Mesa Dam ang siya namang pinagkukunan ng tubig ng Manila Water para sa mga consumer nito.

Ang Manila Water Company ang nagsusuplay ng inumin sa eastern side (east zone) ng Metro Manila kung saan mahigit sa six million katao ang nasasakupan na siya ngayong nakakaranas ng water crisis.

Habang ang ibang bahagi naman ng NCR ay nasa ilalim ng Maynilad na wala namang problema ngayon sa tubig.

Sa ngayon ang La Mesa Dam ay below cri­tical level na dahil nasa 68.72 meters na lamang habang ang Angat Dam ay nasa 199.22 meters pa o malayo pa sa 180 meters na critical level.

Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga taga-MWSS at iba pang kinauukulang tanggapan na kung mabibigo silang tumugon sa kanyang direktiba, personal niya silang pupuntahan at pananagutin sa kanilang kabiguan.

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with