Sinabi ni Arroyo na matapos itong mabuksan ay dadaloy na ang tubig sa East Zone ng Metro Manila.
Boy Santos
Water crisis mareresolba na
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang mare­resolba na ang krisis sa tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila na sini­serbisyuhan ng Manila Water.

Ito’y matapos buksan ni House Speaker Gloria Arroyo ang cross border pipe sa panulukan ng West Avenue corner Bulacan St. sa Quezon City para mabigyan ng supply ng tubig ng Maynilad ang Manila Water.

Sinabi ni Arroyo na matapos itong mabuksan ay dadaloy na ang tubig sa East Zone ng Metro Manila. 

Ayon naman kay Maynilad Water President Ramon Fernandez, ang cross boarder pipe ang pinakamabilis na paraan para malipat ang tubig mula sa West Zone patungo sa East Zone habang sa ibang lugar naman ay itinatakda lang ang konting pagla­lagay ng tubo kumpara sa nasa Bulacan st. na kailangang buksan ang valve.

Dahil sa binuksang valve kaya mayroong 10 milyon liters ng tu­big kada araw ang mabi­bigay ng tubig sa East Zone.

Paliwanag ni Fernandez na ang pagbubukas ng cross border pipe ang tanging paraan para matulungan ang Manila Water na masolusyunan ang problema sa tubig sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan.

MANILA WATER WATER CRISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with