Ang suspek na si Jonas Bueno nang maaresto kahapon.
Suspek sa dalagitang binalatan sa Cebu timbog!
Joy Cantos, Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto na ang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa 16-an­yos na si Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Nadakip sa pinagsa­nib na operasyon ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) si Jonas Bueno bandang alas-5 ng hapon kahapon sa Barangay Matina Pangi, Davao City.

Si Bueno na may nakabinbing warrant of arrest sa kasong pagpatay ay napag-alamang isang construction worker na apat na araw pa lang nagtatrabaho sa isang construction site sa Bgy. Matina Pangi. 

Gumamit umano ng ibang pangalan ang suspek ng mag-aplay ng trabaho bilang construction worker.

Una nang inutos ni Pangulong Duterte ang malawakang pagtugis kay Bueno matapos matukoy na suspek sa pagpatay kay Silawan.

May alok din na P1.8 milyong reward para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng suspek.

Base sa autopsy report ng PNP Crime Laboratory ng Central Visayas, bukod sa bina­latan ang mukha ng biktima ay sinaksak pa ito ng 30 beses, hinila ang dila, lalamunan at trachea gayundin ang isang tenga ng dalagita. Wala itong pang-ibabang saplot kaya hinihinala na ginahasa rin ito.

Una ng sinabi ng PNP na kagagawan ng isang psychological maniac at posible ring lango sa droga ang mga salarin ng isagawa ang brutal na pamamaslang sa biktima.

CRIME NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with