Sa narcolist na ibinulgar ni Pangulong Duterte, kabilang sa mga sangkot sa droga ay 35 Mayors, pitong Vice Mayors, isang Provincial board member at tatlong miyembro ng House of Representatives.
Boy Santos
46 ‘narco pols’ kinasuhan ng DILG
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang 46 incumbent government officials na tinukoy ni Pangulong Duterte na nasa narco list na sangkot o protektor ng iligal na droga.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, inisyal pa lamang ang nasa ‘narco pols’ ng Pa­ngulo na sinampahan ng kaso base sa ibinigay na rekord ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa narcolist na ibinulgar ni Pangulong Duterte, kabilang sa mga sangkot sa droga ay 35 Mayors, pitong Vice Mayors, isang Provincial board member at tatlong miyembro ng House of Representatives.

“The 46 “narco pols” are facing administrative charges of grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, conduct unbecoming of a public officer, and gross neglect of duty,” anang Kalihim.

Agosto 2016 pa ng ianunsyo ni Pangulong Duterte ang mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade na kinabibilangan ng mga mahistrado, local executives at mga retirado at aktibong opisyal ng PNP.

Inisyal pa lamang ang ipinalabas na mga pangalan ni Pangulong Duterte at masusundan pa umano ito.

DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with