Dagdag ni Robredo, imbes na itulak ang proyekto—sa gitna ng mariin na pagtutol dito—tingnan na lamang ng administrasyon ang pagsasaayos ng mga existing na pinagkukunan ng water supply upang mas maraming tubig ang mailagay dito. Dapat rin umanong tugunan ng pamahalaan ang mga tanong tungkol sa pinasok na kontrata, sa pagitan ng Pilipinas at China, upang maipatayo ang nasabing dam.
Agarang solusyon sa krisis sa tubig giit ni Leni
(Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si Vice Pres. Leni Robredo na matugunan sa lalong madaling panahon ang problema tungkol sa suplay ng tubig sa Metro Manila, lalo na sa gitna ng mga tanong tungkol sa pagpapatakbo at pagpapatayo ng mga dam na pinagkukunan ng tubig. 

Sa kaniyang pagbisita sa bayan ng Infanta, kung saan balak itayo ang Kaliwa Dam, idiniin ni Robredo ang kahalagahan ng pagsisiguro na kasali ang mga residente, lalo na ang mga katutubong naninirahan dito, sa pagpapasya kung dapat bang ituloy ang nasabing proyekto, na gagawin sa ilalim ng kontrata sa pagitan ng Pilipinas at China.  

Dagdag ni Robredo, imbes na itulak ang proyekto—sa gitna ng mariin na pagtutol dito—tingnan na lamang ng administrasyon ang pagsasaayos ng mga existing na pinagkukunan ng water supply upang mas maraming tubig ang mailagay dito. Dapat rin umanong tugunan ng pamahalaan ang mga tanong tungkol sa pinasok na kontrata, sa pagitan ng Pilipinas at China, upang maipatayo ang nasabing dam. 

Sumang-ayon dito ang mga kandidato ng Otso Diretso, at idinagdag na hindi dapat daanin ng administrasyon sa palusot ang kakulangan ng suplay ng tubig, na kasalukuyang nakakaapekto sa mga residente ng Metro Manila. 

Kasama sa mga kandidato ng Otso sina Chel Diokno, Sen. Bam Aquino, Congressman Gary Alejano, dating senador Mar Roxas, dating congressman Erin Tañada, dating solicitor general Pilo Hilbay, Atty. Romy Macalintal at dating ARMM assemblywoman Samira Gutoc.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with