Ayon kay Sotto, dapat pangalanan ang mga celebrities lalo pa’t validated ang impormasyon tungkol sa kanila dahil mismong galing sa pusher.
Adik na celebrities pangalanan din
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dapat hubaran din ng maskara at kilalanin ng Philippine National Police ang mga celebrities na gumagamit ng iligal na droga.

Kaugnay ito sa dalawang celebrities na iniimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makita ang pangalan sa cell phone ng party drugs supplier na si Steve John Pasion na napatay sa isang buy-bust sa Maynila noong nakaraang Lunes ng gabi.

Ayon kay Sotto, dapat pangalanan ang mga celebrities lalo pa’t validated ang impormasyon tungkol sa kanila dahil mismong galing sa pusher.

Isang lalake at isang babaeng celebrity ang iniimbestigahan ng PDEA matapos makita ang pangalan nila sa cell phone ng napatay na pusher na umorder ng 200 piraso ng ecstacy.

Napaulat na sinabi ng PDEA na matagal na nilang mino-monitor ang dalawang celebrities dahil may mga nauna ng ulat na sangkot sila sa iligal na droga.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY PHILIPPINE NATIONAL POLICE VICENTE “TITO” SOTTO III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with