Hinamon naman ng kongresista si Sotto na lagdaan ang national budget kung talagang gusto niya ang transparency dahil na-itemized na ng Kamara ang lahat ng lump sum funds.
Sotto, Lacson hinamon ng debate sa budget
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinamon ng isang lider ng Kamara sina Senate President Tito Sotto at Sen. Panfilo Lacson sa isang debate para makapag-promote ng transparency sa proseso ng pagba-budget ng kongreso.

Giit ni House senior Deputy Majority leader at 1-Sagip party list Rep. Rodante Marcoleta, na ang suhestyon ng Senado na ituloy ang lump sum funds sa P3.757 trillion national budget ay malinaw na paglabag sa Supreme Court (SC) ruling laban sa pork barrel funds.

Sabi ng kongresista na baka may tinatago ang mga senador kaya ayaw nilang mag-itemized.

Pinagtataka rin ni Marcoleta kung bakit bigo si Lacson na makita ang umanoy’ pork barrel funds ng kanyang mga kasama sa Senado.

Hinamon naman ng kongresista si Sotto na lagdaan ang national budget kung talagang gusto niya ang transparency dahil na-itemized na ng Kamara ang lahat ng lump sum funds.

Binuweltahan din ni Marcoleta si Sotto dahil sa mga tirada niya na unconstitutional ang national budget gayung bigo naman siya na ipakita kung anong probisyon sa konstitusyon ang kanilang nilabag.

PANFILO LACSON TITO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with