^

Bansa

'Di lang 16M? Duterte nawalan daw ng 3M boto noong 2016, sabi ni Sara

Philstar.com
'Di lang 16M? Duterte nawalan daw ng 3M boto noong 2016, sabi ni Sara
Dahil dito, umabot pa raw sana ng 17 hanggang 19 milyon ang inaning boto ni Duterte, kaiba sa 16.6 milyong official tally ng presidential elections.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Natapyasan daw ng hanggang tatlong milyong boto si Pangulong Rodrigo Duterte noong eleksyong 2016 dahil sa electoral fraud, sabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio noong Linggo.

Kung hindi lang daw nanalo, sinabi ng presidential daughter sa reporters sa Laguna na naghain pa sana ng protesta si Digong.

Dahil dito, umabot pa raw sana ng 17 hanggang 19 milyon ang inaning boto ni Duterte, kaiba sa 16.6 milyong official tally ng presidential elections.

“Alam mo kung pwede lang magprotesta si President Duterte for the votes that he lost because of cheating. Ang ini-estimate namin it’s about 2-3 million votes that President Duterte lost because nilipat sa ibang kandidato,” sabi ni Duterte-Carpio.

“Tinitingnan natin yung boto ng mga senators, ‘yung boto ni Leni Robredo, nung ibang candidates, makikita kung nasaan ‘yung mga boto,” dagdag ng campaign manager ng Hugpong ng Pagbabago.

Sinabi ito ni Duterte-Carpio matapos utusan si Bise Presidente Leni Robredo na huwag nang magsalita tungkol sa katapatan at integridad.

Matatandaang sinabi ni Inday Sara noong isang linggo na 'di dapat gawing isyu ang honesty tuwing eleksyon.

Noong Sabado, ika-9 ng Marso, matatandaang sinabi ni Duterte-Carpio na matagal nang kwine-kwestyon ang katapatan at integridad ni Robredo.

"She is not called fake VP for no reason," dagdag ni Duterte-Carpio.

Naghain ng electoral protest noon si Sen. Bongbong Marcos para kwestyonin ang pagkatalo kay Robredo sa pagkabise presidente.

Aniya, magpaalam na raw si Robredo sa kanyang pangarap na maging presidente kung patuloy na igigiit na requirement ang katapatan sa pagtakbo sa halalan.

Bilang tugon, binatikos naman ng kampo ni Robredo si Duterte-Carpio ang ipinakakalat na "fake news" tungkol sa ikalawang pangulo.

“Salamat Mayor Sara, pinatunayan mong di ka talaga bilib sa honesty in public service. Banat mo, fake news ang gamit na ilang beses nang napatunayang peke. Magtotoong balita din pag may time,” ani Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo. —  James Relativo

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

LENI ROBREDO

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with