Sina Pangulong Duterte at Malaysian Prime ­Mi­nister Mahathir Mohamad sa joint press statements kahapon sa Malacañang.
KJ Rosales
Pinas may claim sa Sabah
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Malacañang na may claims ang Pilipinas sa pinagtatalunang Sabah.

Ang Sabah ay isang teritoryong idineklarang parte ng Malaysian Federation taong 1963.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, matagal nang idinedeklara ng bansa na kahit pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na may pagmamay-ari tayo sa Sabah.

Taliwas ito sa sinabi ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa isang interview kahapon na hindi claimant ang Pilipinas.

Sa kabila naman ng pagkakaiba ng mga pahayag, inihayag ni Panelo na hindi parte ng agenda ng pulong ng Prime Minister at ni Pangulong Duterte ang isyung ito.

Nagtungo kahapon si PM Mahatir sa Malacañang kung saan ay binigyan ito ng red carpet reception ni Pangulong Duterte.

Nagkaroon ng bilateral talks ang 2 lider upang lalong patatagin ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia.

SABAH SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with