Ayon kay IBON Foundation Executive Editor Rosario Bella Guzman, pahihinain daw ng pagtatanggal ng quota sa importasyon ng bigas ang stability ng bilang at presyo nito.
File
IBON: Food security maaapektuhan ng rice tariffication
(Philstar.com) - March 4, 2019 - 8:19pm

MANILA, Philippines — Nagbabala ang isang economic think tank tungkol sa pagpapatupad ng rice tariffication law dahil sa peligrong idudulot daw nito sa suplay ng bigas sa bansa.

Ayon kay IBON Foundation Executive Editor Rosario Bella Guzman, pahihinain daw ng pagtatanggal ng quota sa importasyon ng bigas ang stability ng bilang at presyo nito.

“Government is pushing us to just rely on imports (Itinutulak lang tayo ng gobyerno na umasa lamang sa mga iaangkat na produkto),” pagpapaliwanag ni Guzman.

Aniya, hindi kakayaning makipagkompitensya ng mga lokal na magsasaka sa murang subsidized rice ng mga dayuhan. 

Bagama't madadagdagan daw ang bigas na mabibili sa merkado, nanganganib ang tuloy-tuloy na suplay nito lalo na't 10 porsyento lang daw ng bigas sa mundo ang ibinebenta sa labas ng rice-producing countries.

Halimbawa, itinigil muna raw ng Thailand ang pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa ngayong taon para i-prioritize ang sarili nilang bayan.

'Tataas ang presyo'

Kaugnay ng "unstable" na supply, posible raw sumirit lalo ang mga presyo buhat ng 'di pagtaas ng sahod.

Sa taya nila, posibleng tumaas mula P27 kada kilo patungong P44 kada kilo ang presyo ng local retail rice dahil sa "landed cost" na P37.

"Heavy importation amid a weak peso-dollar exchange rate is also a factor in higher prices (Maaari ring umambag sa pagtaas ng presyo ang mahinang palitan ng piso sa dolyar kung sasabayan ng matinding importasyon)," sabi ni Guzman.

Habang 'di pa natitiyak kung magiging mas malala sa tagtuyot ng 2014-2016 ang paparating na El Niño, sinabi ng IBON na matindi na sa ngayon ang problema. 

Habang hindi rin daw napipigilan ang mga kartel, inaasahan nilang lalong tataas ang mga presyo.

Suporta sa mga magsasaka

Nakatakdang ilabas ang implementing rules and regulations ng bagong batas, bagay na inaasahan ng gobyerno na magpapataas ng suplay ng bigas.

Pagmamalaki ng gobyerno, aabot sa P10 bilyon kada taon ang kikitain mula sa tariff ng imported rice. Gagamitin daw ito para suportahan ang lokal na industriya ng bigas.

Pero giit ng IBON, hindi ito sasapat.

"[T]hat’s only US$190 million versus Vietnam’s US$1 billion and Thailand’s US$7 billion in annual subsidies to their rice farmers (US$190 milyon lang 'yan kontra sa US$1 bilyon ng Vietnam at US$7 bilyon ng Thailand pagdating sa subsidiyong ibinibigay sa mga magsasaka),” wika ni Guzman.

Bukod dito, kakarampot lang daw ang inilaang pondo ng gobyerno para sa agrikultura na aabot sa P170 bilyon — 4 na porsyento lamang ng national budget.

Pagpapakita lamang daw ito na mababa ang pagpraprayoridad sa nasabing sektor.

“We don’t need a worsening crisis in agriculture. [The g]overnment needs to stabilize the entire economy to be able to eventually stabilize prices ('Di natin kailangan ng mas malalang krisis sa agrikultura. Ang dapat gawin ng gobyerno, i-stabilize ang ekonomiya para makontrol ang mga presyo),” panapos ni Guzman. —  James Relativo

ECONOMY IBON FOUNDATION IMPORTATION RICE TARIFFICATION LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with