Ito ay batay sa tala ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) kaugnay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang may tigdas sa iba’t ibang panig ng mundo.
AFP
Pinas, top 3 sa tigdas - UNICEF
Angie dela Cruz, Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2019 - 12:00am

215 na patay

MANILA, Philippines — Ikatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may mataas na kaso ng tigdas.

Ito ay batay sa tala ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) kaugnay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang may tigdas sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa ulat ng UNICEF, umaabot sa 98 mga bansa ang nakapagtala ng mataas na kaso ng tigdas para sa taong 2018 kumpara sa taong 2017.

Sa mga bansang may mataas na kaso ng tigdas ay nangunguna na ang Ukraine, Brazil at Pilipinas na may 15,599 kaso mula Enero hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Pebrero nga­yong taon.

Mataas ito kung ikukumpara sa 2,407 kaso ng tigdas sa Pilipinas noong 2017.

“This is a wakeup call. We have a safe, effective and inexpensive vaccine against a highly contagious disease — a vaccine that saved almost a million lives every year over the last two decades,” ayon kay Henrietta Fore, executive director ng UNICEF.

Anya, kung hindi aga­rang aaksiyunan ang patuloy na pagdami ng kaso ng tigdas, mas matinding sakuna ang mararanasan ng mga kabataan sa darating na mga taon.

Magagamot lamang ang tigdas sa pamamagitan ng pagbabakuna sa may sakit nito.

Sa ulat ng World Health Organization, noong 2018 ay may 136,000 katao ang na­matay dahil sa iba’t ibang kumplikasyon ng tigdas.

Samantala sa pina­ka­huling datos ng Department of Health (DOH), lumobo na sa 215 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa tigdas mula Enero 1 hanggang Pebrero 26, mula sa 13,723 na tinamaan ng sakit sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, dahil sa puspusang kampan­ya ng vaccination program laban sa tigdas, unti-unti na umanong gumaganda ang turnout o mas marami na ang nababakunahan.

Bukod sa pagbabahay-bahay at pagtungo sa mga barangay ng health workers para sa libreng bakuna, pinayuhan ni Duque ang mga magulang na magkusa nang alamin kung kailan at saan mapapabakunahan ang kanilang anak upang makatiyak na makakakuha ito ng proteksiyon laban sa nasabing sakit.

MEASLES OUTBREAK UNICEF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with