Sina Pangulong Duterte at US State Secretary of Defense Mike Pompeo sa ginanap na pulong kamakalawa ng gabi sa Villamor Air Base, Pasay City. Tiniyak ni Pompeo kay Duterte na nasa likod lamang ng Pilipinas ang Amerika sa claim nito sa West Philippine Sea kontra China.
KJ Rosales
US kasangga ng Pinas sa South China Sea issue
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro ni US State Department Secretary Michael Pompeo kay Pangulong Duterte na kakampi ng Pilipinas ang Estados Unidos tungkol sa isyu ng South China Sea.

“US State Secretary assured President Duterte that the US has the Philippines’ back in the South China Sea,” pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kahapon.

Sinabi ni Panelo, ipinabatid ni Pompeo kay Pangulong Duterte sa kanilang close-door meeting kamakalawa ng gabi sa Villamor Airbase na kapag inatake ang anumang barko ng Pilipinas ay puwedeng gamitin ang Phl-US Mutual Defense Treaty.

Sa pananaw ng Ma­lacañang ay hindi na kailangang rebyuhin ang MDT matapos siguruhin mismo ni Pompeo sa Pangulo na anumang pag-atake sa Pilipinas ay maituturing na pag-atake na rin sa Amerika.

“There is no need to review the Mutual Defense Treaty with the US, following statement of Sec. Pompeo that any attack against the PH is an attack against the US,” dagdag pa ni Pa­nelo.

MICHAEL POMPEO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with