^

Bgy. officials bigyan ng suweldo - Go

(Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bigyan ng suweldo at sapat na benepisyo ang mga barangay official dahil sila ang kadalasang “first res­ponders” sa giyera kontra droga ni Pangulong Duterte.

Ito ang nais ni dating Special Assistant to the President Secretary (SAP) Bong Go, dahil sa ngayon ay “honorarium” o allowance lang ang natatanggap ng mga barangay chairman at mga barangay tanod sa bansa.

Ayon kay Bong Go, ipapanukala niya sa Senado na mabigyan ng maayos na income at benefits ang mga barangay official upang higit nilang magampanan ang kani-kanilang mga trabaho tulad ng pangunguna sa kampanya kontra droga ng gobyerno.

Sa panig naman ni ACT-CIS Partylist, first nominee Eric Yap, ay nagsabing marapat lamang na suklian ng pamahalaan ang serbisyo ng mga barangay official sa bansa.

Ayon  kay Yap, isusulong nila sa Kongreso sa oras na sila ay palaring manalo na magkaroon ng suweldo at maitaas ang benepisyo ng barangay official dahil sila ang ‘first responder’ at tagapangalaga ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.

BARANGAY OFFICIALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with