Palasyo kumambyo, maghihigpit na raw sa illegal Chinese workers
Mga Tsinong nahuling iligal na nagtratrabaho sa bansa.
The STAR/Edd Gumban, File
Palasyo kumambyo, maghihigpit na raw sa illegal Chinese workers
(Philstar.com) - February 26, 2019 - 11:42am

MANILA, Philippines — Ipatutupad ng gobyerno ang mga immigrations laws kontra sa mga iligal na manggagawang Tsino, 'yan ang sinabi ng Malacañang noong Lunes matapos mabatikos ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsabing hayaan na lang ang mga manggagawa sa Pilipinas.

"We wish to clarify that the president's policy on Chinese workers who are illegally staying in the country remains the same, which is the enforcement of immigration laws against violators," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag.

(Gusto naming linawin na pareho pa rin ang polisiya ng pangulo tungkol sa mga manggagawang Tsino na iligal na nananatili sa bansa, 'yan ay ang pagpapatupad ng immigration laws laban sa mga lumalabag.)

"Our laws will be applied with full force and effect equally to all foreign nationals who violate them," dagdag niya.

(Pantay-pantay na ipatutupad ang pangil ng batas sa laban sa lahat ng dayuhang hindi susunod dito.)

Paglilinaw ni Panelo, proprotektahan naman ng pamahalaan ang mga foreign workers na may work permit at sumusunod sa immigration rules.

Maliban dito, sinabi raw ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa courtesy call kay Duterte na kinakailangang parusahan ang mga Tsinong lumalabag sa batas dahil ipinatutupad din ang batas laban sa mga Pilipinong lumalabag sa Tsina.

"The plight of our overseas Filipino workers remains foremost in the president's mind. Any problem however that may arise involving the entry and/or stay of Chinese citizens in blatant violation of our immigration laws will be dealt with strictly in accordance with law and with dispatch," sabi ni Panelo.

(Prayoridad ng pangulo ang kapakanan ng mga Pilipinong manggagwa sa ibayong dagat. Anumang problema na maaring manggaling mula sa pagpasok at pananatili ng mga Tsino na tahasang paglabag sa ating immigration laws ay mahigpit na haharap sa mga panuntunang inilatag ng batas.)

Gayunpaman, sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na hindi pwedeng magpadalus-dalos sa paghuhusga sa mga Tsinong pinaghihinalaang lumabag.

"The government will tread cautiously and in accordance with the Constitution in dealing with any matter involving Chinese migrants perceived or alleged to be staying illegally, given the situation of thousands of Filipinos staying in China not in accordance with its laws," ani Panelo.

(Mag-iingat ang gobyerno alinsunod sa Saligang Batas pagdating sa mga migranteng Tsino na pinaghihinalaang iligal ang pananatili rito, lalo na't libu-libog Pilipino ang nakatira sa Tsina.)

Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment ng "alien employment permits" ang halos 52,000 Tsino. Isiniwalat ng mga opisyal sa isang Senate inquiry na aabot sa 119,000 turista, na karamihan ay Chinese, ang nakalusot sa mga panuntunan ng labor regulations.

Noong Sabado, matatandaang sinabi ni Duterte na dapat hayaan na lamang magtrabaho ang mga iligal na manggagawa mula sa naturang bansa.

“Iyong mga Chinese dito, hayaan mo ‘yan na dito magtrabaho. Hayaan mo. Bakit? We have 300,000 Filipinos in China,” banggit ni Digong... Kaya hindi ako maka — sabihin, o umalis kayo dito, deport ka doon. Eh kung bigla paalisin ‘yun doon 300,000 of them," sabi ng pangulo. — James Relativo

ILLEGAL IMMIGRATION LABOR ISSUE RODRIGO DUTERTE SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with