^

Bansa

‘No vaccination, no enrollment’ - DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�No vaccination, no enrollment� - DepEd
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ipinanukala sa kanila ng Department of Health (DOH) na magpatupad ng nasabing polisiya dahil sa outbreak ng tigdas.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipatutupad ng Department of Education (DepEd) ang “No vaccination, no enrollment policy” sa mga pampublikong paaralan, kasunod na rin nang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng tigdas na naitatala sa bansa.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ipinanukala sa kanila ng Department of Health (DOH) na magpatupad ng nasabing polisiya dahil sa outbreak ng tigdas.

Sinabi ni Briones, sa ngayon ang mga karapatan ng mga mag-aaral ang pangunahin nilang ikokonsidera sa gagawin nilang pag-aaral sa naturang panukala.

“As much as there is a growing need to reinvigorate the campaign for the importance of vaccination, the proposed policy must take into consideration the human rights of learners, especially their access to quality basic education,” sabi ni Briones.

Sakali naman aniyang tuluyan na ngang maipatupad ang natu­rang “No vaccination, no enrollment policy” ay magpapatupad ng ilang panuntunan ang DepEd.

Kabilang dito ang pagbibigay ng consent form at evaluation form, na magka- categorize sa mga mag-aaral bilang “vaccinated,” “doubtful,” at “not vaccinated.”

Kailangan ding be­ri­pikahin ang school records at vaccination cards; mangalap at magbahagi ng mga data sa bilang ng mga batang naapektuhan na ng tigdas; makipag-ugnayan sa mga health center staff sa mga mag-aaral na absent at sa mga magulang na hindi nagbigay ng consent sa pagbabakuna.

Dapat ding i-follow-up ang mga mag-aaral na hindi nabigyan ng bakuna at yaong nais na sa mga pribadong doctor magpabakuna.

Tiniyak naman ni Brio­nes sa mga mag-aaral, mga magulang at mga non-academic personnel at stakeholders na ang DepEd ay patuloy na makikipag-ugnayan sa DOH sa monitoring ng measles cases at pagpapalakas pa ng pagsusumikap na labanan ang karamdaman.

Una nang nagdeklara ng measles outbreak ang DOH sa Metro Manila at ilan pang rehiyon sa bansa.

Related video:

vuukle comment

LEONOR BRIONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with