^

Bansa

DOH target mabakunahan ang 2.6-M adults vs tigdas

Pilipino Star Ngayon
DOH target mabakunahan ang 2.6-M adults vs tigdas
Ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III hindi lamang mga bata ang dapat iprayoridad sa vaccination program ng gobyerno ngunit maging ang mga matatanda.

Target ng Department of Health (DoH) na isunod sa pagpapabakuna kontra tigdas ang nasa mahigit 2.6 milyong mga adults o matatanda sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III hindi lamang mga bata ang dapat iprayoridad sa vaccination program ng gobyerno ngunit maging ang mga matatanda.

Aniya, humihina ang kakayahan ng kanilang katawang lumaban sa iba’t ibang uri ng sakit lalo na habang sila’y nagkakaedad na.

Nagiging dahilan naman umano ito upang madali silang kapitan ng mga virus.

Dahil dito, ipa-prayoridad ng DOH na mabakunahan din ang mga matatanda dito sa bansa.

Inihayag din ni Duque na target pa nila sa kasalukuyan na mabakunahan ang nasa 2.4 mil­yong bata na anim hanggang 59 buwang gulang, pitong milyon naman sa grade school o kindergarten hanggang grade 6 at 2.6 milyon matatanda o adults.

vuukle comment

FRANCISCO T. DUQUE II

VACCINATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with