Paliwanag ni Atty. Larry Gadon, matagal na raw "nilalangaw" ang selebrasyon.
Paliwanag ni Atty. Larry Gadon, matagal na raw "nilalangaw" ang selebrasyon.
PIA
'Sayang pera': EDSA commemoration ipinatitigil ng senatorial candidate
James Relativo (philstar.com) - February 22, 2019 - 2:53pm

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Kilusang Bagong Lipunan senatorial candidate na si Atty. Larry Gadon na huwag nang gunitain ang ang anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution sa Lunes.

Paliwanag ni Gadon, sayang ang "milyun-milyong" budget na napupunta sa EDSA People Power Commission.

"Dapat yang pondo diyan, inilalaan na lang doon sa mga biktima ng Dengvaxia, kaysa diyan sa walang kakwenta-kwentang EDSA 1 na 'yan," sabi ni Gadon sa video na ipinamahagi sa reporters.

Tinutukoy ni Gadon ang Dengvaxia, bakunang ipinamahagi noon sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Benigno Aquino III, na pangontra sa dengue.

Paliwanag ng kontrobersyal na abogado, hindi totoong rebolusyon ang nangyari noon 1986 at ginugunita lang ang mga "pekeng" bayani tulad ni dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino.

Si Gadon ay aminadong "die hard" supporter ng yumaong diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos.

"Itigil na 'yang celebration ng EDSA 1 na 'yan dahil nilalangaw na 'yan. Matagal nang panahon, kung ilan taon na, na nilalangaw 'yan. Wala nang nagpupunta diyan, pailan-ilan na lang. Kaya dapat itigil na 'yan," dagdag niya.

"Kaya dapat huwag nang inaalala 'yan."

Kaugnay nito, ipinapuputol ni Gadon sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo ng naturang komisyon.

Duterte hindi dadalo sa paggunita

Nauna nang sinabi ng Palasyo na hindi uli sisiputin ni Digong ang pag-alala ng EDSA sa Lunes.

Ito na ang ikatlong magkasunod na ika-25 ng Pebrero na initsapwera ng presidente.

“Did he attend the event last time? He did not. He has not done so for two years. So most likely, he will not attend,” sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing.

Gayunpaman, susuportahan naman daw ito ng pangulo bagama't hindi makadadalo.

“I remember he issued a statement right? He always issues a statement in support. So it’s important... It’s just a celebration. Many will be there to represent him,” dagdag ni Panelo.

Maaalalang isa si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, anak ng nasirang diktador, sa mga local executives na sumuporta sa kandidatura ni Duterte noong 2016.

Isa si Imee sa mga in-eendorsong kandidato sa pagkasenador ni Duterte, Hugpong ng Pagbabago, at PDP-Laban.

Hindi naman kasama si Gadon sa mga in-endorso ng pangulo. Aminado rin si Gadon na hindi siya nakatatanggap ng suporta mula sa mga Marcos. 

EDSA PEOPLE POWER LARRY GADON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with