Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na base sa intelligence report, 349 national at local officials na kinabibila­ngan ng 11 Gobernador, limang Vice Governors, 10 Board members, 55 Mayors, 21 Vice Mayors at 41 mga Konsehal at 8 pang mga Brgy officials ang natukoy na pinanggagalingan ng pinansyal na suporta sa communist rebels.

349 local execs ‘supporters’ ng NPA
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa watchlist ang 349 local officials na umano’y nagbibigay ng suporta sa CPP-New People’s Army (NPA) sa bansa sa pamamagitan ng extortion money at Permit to Campaign (PTC) fees.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na base sa intelligence report, 349 national at local officials na kinabibila­ngan ng 11 Gobernador, limang Vice Governors, 10 Board members, 55 Mayors, 21 Vice Mayors at 41 mga Konsehal at 8 pang mga Brgy officials ang natukoy na pinanggagalingan ng pinansyal na suporta sa communist rebels.

Aminado ang Kalihim na mahirap mapagwagian ang kampanya kontra terorismo kung ang nasabing mga lokal na opisyal ay patuloy na nagbibigay ng pondo sa mga komunistang terorista.

Kabilang pa sa pinagmumulan ng pondo ay mula sa 11 dating local government unit officials, 10  incumbent congressmen at isang dating Kongresista.

Simula 2016 hanggang 2018 ay aabot na sa P194.512-M ang nakotong ng NPA sa mga kandidato sa national level at sa barangay elections.

“Most of these officials are in Bicol, Region 10 (Northern Mindanao, Region 11 (Davao Region) and Region 2 (Cagayan Valley Region),” anang Kalihim.

Ang mga rebelde ay nangingikil ng Permit to Campaign (PTC) fees mula P300,000-P650,000 sa mga kan­didatong Gobernador at Vice Governor, P200,000-P500,000 sa mga Mayors at P50,000-P100,000 sa mga kandidatong Brgy. officials.

EDUARDO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with