“The DOH spent all of its budget last year for immunization. But by its own admission, its immunization rate in 2018 was only at 39 percent. This means more than 2 million children did not get measles vaccination,” ani Anakalusugan party-list nominee Mike Defensor.
P7.43-B budget sa bakuna ipaliwanag
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinamon ng Anakalusugan partylist ang Department of Health na isiwalat nito kung paano ginastos ang P7.43 bil­yong budget para sa immunization program ng gobyerno noong 2018.

“The DOH spent all of its budget last year for immunization. But by its own admission, its immunization rate in 2018 was only at 39 percent. This means more than 2 million children did not get measles vaccination,” ani Anakalusugan party-list nominee Mike Defensor.

Kinuwestiyon din ni Defensor ang advertising budget na nagkakahalaga ng P634 milyon oong 2018 para makapagpakalat ng impormasyon hinggil sa pagbabakuna laban sa dengue. Napawi sana umano ng DOH ang pa­ngamba ng mga magulang hinggil sa dengvaxia.

“Klarong klaro na may pagkukulang ang DOH,” dagdag ni Defensor.

Iginiit din ni Anakalusugan nominee Darlo Ginete na imposibleng hindi namalayan ng DOH ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nagkakatigdas.

“In 2018, DOH reported a total number of 18,407 measles cases. Compared to only 2,428 cases in 2017, last year’s figure represents a nearly 800 percent increase in measles cases,” ani pa ni Ginete.

Una ng nagdeklara ang gobyerno ng measles outbreak sa NCR at iba pang karatig lalawigan kung saan umabot ito ng 8,000 kaso noong Enero.

Una na rin sinabi ng World Health Organization na kung hindi mabibigyan ng maayos na pagbabakuna ang mga mamamayan ay hindi imposibleng muling mabuhay ang mga sakit gaya ng polio at magkaroon pa ng matitin­ding komplikasyon.

DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with