Sinabi ni Arroyo, na dapat mag-focus muna sa May 2019 midterm elections ang lahat at saka na lamang  pag-usapan ang presidential polls sa 2022.â
Sinabi ni Arroyo, na dapat mag-focus muna sa May 2019 midterm elections ang lahat at saka na lamang pag-usapan ang presidential polls sa 2022.’
Cesar Ramirez
Espekulasyon sa pagtakbo ni Sara sa 2022 ‘wag ipakalat
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela sa publiko si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na iwasan ang pagpapakalat ng mga espekulasyon na tatakbo sa pagkapangulo sa 2022 si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ni Arroyo, na dapat mag-focus muna sa May 2019 midterm elections ang lahat at saka na lamang  pag-usapan ang presidential polls sa 2022.’

Sa kabila nito itinuturing naman niya si Inday Sara bilang rising star ng pulitika sa Pilipinas tulad ng paniniwala ni Sen. Panfilo Lacson.

Matatandaan na inihayag ni Lacson noong nakaraang taon na si Duterte-Carpio ang top choice niya sa mga batang leader na maaaring pumalit bilang susunod na presidente.

Para kay Arroyo, hindi malayo ang posibilidad na ito dahil base sa kasaysayan ay sadyang umaangat at sumusunod sa yapak ng magulang na naging pa­ngulo ang kanilang mga anak.

Kabilang na rito si Arroyo na anak ni dating Pa­ngulong Diosdado Macapagal at si dating Pangulong Noynoy Aquino na anak ni President Corazon Aquino.

SARA DUTERTE-CARPIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with