^

Bansa

105 araw na paid maternity leave, batas na

James Relativo - Philstar.com
105 araw na paid maternity leave, batas na
Sa ilalim nito, bayad kahit hindi pumasok nang hanggang 105 araw ang mga empleyado't manggagawa na kapapanganak pa lamang.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Maternity Leave Act na layong magpalawig sa leave at benepisyo ng mga nanay na nagtratrabaho.

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga reporter na nilagdaan na ito ng pangulo noong Miyerkules.

Sa ilalim nito, bayad kahit hindi pumasok nang hanggang 105 araw ang mga empleyado't manggagawa na kapapanganak pa lamang.

Makakukuha naman ng karagdagang 15 paid maternity leave ang mga solo parents.

Normal delivery o cesarean section man ang panganganak ay sakop ng bagong batas.

Bukod dito, makapipili rin ang mga naturang ina na palawigin hanggang 30 araw ang kanilang leave ng walang bayad.

Bago maipasa, 60 araw lang ang ibinibigay na paid maternity leave sa mga nanay na may normal delivery habang 78 naman para sa mga cesarean delivery.

vuukle comment

LAW

PAID MATERNITY LEAVE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with