^

Bansa

1 vs 4? Gadon hinamon ng debate ang Otso Diretso

James Relativo - Philstar.com
1 vs 4? Gadon hinamon ng debate ang Otso Diretso
Personal naman niyang tinukoy sina Mar Roxas, Sen. Bam Aquino, Atty. Florin Hilbay at Atty. Chel Diokno para makaharap.
File

MANILA, Philippines — Hinamon sa debate ni Atty. Larry Gadon, kandidato sa pagkasenador ng Kilusang Bagong Lipunan, ang pinamagagaling na kandidato ng Otso Diretso kahit siya'y nag-iisa.

Ito ang tugon ng kontrobersyal na abogado sa inilabas na hamon ng oposisyon na humarap sa debate ang senatorial candidates na suportado ng administrasyon.

"May hamon ba? Ako yung naghahamon... At 'wag lahat ng Otso, kasi sayang [ang] time. Yung pinaka[magagaling] na nila," sabi ni Gadon sa mga reporters.

Personal naman niyang tinukoy sina Mar Roxas, Sen. Bam Aquino, Atty. Florin Hilbay at Atty. Chel Diokno para makaharap.

'Huwag sa UP'

Kung matutuloy, hiniling naman ni Gadon na sana'y huwag sa University of the Philippines ganapin ang debate, na kilalang balwarte ng aktibismo.

"Basta 'wag sa UP na ang crowd ay mga komunista," dagdag ni Gadon.

Paglilinaw naman niya, hindi niya sinasabing lahat ng estudyante ng naturang unibersidad ay Kaliwa. Dagdag ni Gadon, marami siyang kaibigang taga-UP.

"Not all UP... 99% of UP are intelligent and bright... The 1% are dumb idiots or rather brainwashed and indoctrinated leftists," dagdag niya.

"I was referring to the 'crowd.' Kasi 'pag sila organizers pwede sila magpapasok ng mga LFS from other schools, mga out of schools na Anakbayan, etc."

Reklamo ni Gadon, nag-iingay daw kasi ang mga taga-UP oras na siya ang nagsasalita sa nakaraang debate ng ABS-CBN.

Bagama't nabanggit ni Gadon ang League of Filipino Students at Anakbayan, ligal ang dalawang makakaliwang grupo ng kabataan na naniniwala sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba. Wala sa konstitusyon ng dalawa ang pagiging komunistang grupo.

Simula nang ma-repeal ang Anti-Subversion Law noong 1992, hindi na rin ipinagbabawal ng batas ang pagiging miyembro ng Communist Party of the Philippines.

Sa ilalim naman ng Article III Section 18 (1) ng 1987 Constitution, pinoprotektahan mula sa pagkakakulong ang sinuman dahil lang sa paniniwalang pulitikal.

Kilalang supporter si Gadon ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at nagsilbi rin bilang isa sa mga abogado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kinukuha pa naman ng PSN ang panig ng Otso Diretso kung tutugon sila sa hamon ng kapwa senatorial candidate.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

LARRY GADON

OTSO DIRETSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with